Welcome to St. Peter the Apostle School!
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Kagawaran ng Early Childhood Education ay matagumpay na naisakatuparan noong ika-6 ng Setyembre 2024, araw ng Biyernes.
Ang tema ngayong taon ay "Wikang Filipino: Wikang May Pusong Mapagpalaya”. Lubos na pinaghandaan ng mga mag-aaral at mga guro ang pagdiriwang na ito, kaya naman ay sabik nilang isinuot ang kanilang magaganda at makukulay na pambansang kasuotan sa pagpasok sa paaralan noong araw na iyon. Ang mga magulang at iba pang panauhin ay magiliw na pinanood ang mga bata sa pagpapamalas ng kanilang talento sa pagsayaw. Bukod dito, ang mga inihanda ring palaro para sa mga bata at kanilang mga magulang ang siyang mas nagpasaya sa pagdiriwang. Pagkatapos ng programa, ang mga bata naman ay pumunta sa kani-kanilang silid-aralan upang pagsaluhan ang iba’t ibang meryendang lokal katulad ng puto, biko, lumpia, at marami pang iba.
Nais ng kagawaran na matutunan ng mga mag-aaral ang mahalin ang ating sariling wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsayaw, pagkanta, at pagkilala sa mga pagkaing sariling atin.