Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

Tema: “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”

 

Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay ipinagdiriwang tuwing Agosto.  Ito ay ginagawa upang maipadama natin ang pagmamahal at pagtangkilik sa ating sariling wika.

 

Sa Early Childhood Education (ECE) Department, ipinagdiwang ang Buwan ng Wika noong Agosto 27, 2021 na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” Ang bawat mag-aaral ay masayang nagpakita ng kanilang pakikiisa sa programa sa pamamagitan ng pagsusuot ng pambansang kasuotan ng Pilipinas at pakikilahok sa mga palarong inihanda ng kanilang mga guro. 

 

Ang nasabing pagdiriwang ay sinimulan sa isang maikling panalangin sa Wikang Filipino, pag-awit ng Lupang Hinirang, at pakikinig ng mensahe mula sa ECE koordineytor. Maliban sa mga palaro, may mga nagbahagi rin ng tula at pangkalahatang sayaw.  Ang palatuntunan ay nagtapos sa pangwakas na awitin, panalangin at birtwal na kainan ng pagkaing Pinoy.

 

Patuloy nating gamitin at ipagbunyi ang Wikang Filipino at mga Katutubong Wika!